Hehe gagawa gawa na naman ako ng blog kala mo naman interesante ang buhay! Adik. Ba't bah.
Mayo na pala ano? Ano ba tong naririnig ko na kailangan daw magpabasa sa ulan ng May 1? Rare ba yun? Ano yun? Baka naman pambaog-acious yun...fertility ewan! Ayyy ayaw ko pang magkabeybi noh!
Sakit na ng butt ko kakaupo maghapon. Napaflat na yata *tingin sa ASSet* Hay. As if me mapapala naman ako kakatingin ng mga websites ng me websites. Adik talaga. Sana naman me patutunguhan tong Art Hermit proyekto na to...kakapagod na nakakonsentreyt sa pagdodrowing! Kinakalawang yung left brain ko! Pansin ko lang ang panget ko na magEnglish! Yak! Kakahiya...kolehiyala pa man din ako. Hay.
Naastigan ako sa layout na toh...sana pala ito na lang yung main blog ko. Di yata kasi din naiindex ng search engines yung tumblr ko. Puro yung mga blogger ko lang na mga iniwan ko na rin noon.
Ay nako wa kwents na naman pinagsasabe ko...makalayas na nga't makagawa gawa ng penguin para mabawasan na gagawin ko! Babush!
Sabaw na naman to!
Hayooooffff!
Posted by utaksabaw at 4:51 AM
Labels: rants, tagalog posts